dzme1530.ph

Mahigit 2M manggagawa, sumasahod ng below minimum —Brosas

Mahigit dalawang milyong manggagawa sa pribadong sektor sa bansa ang sumasahod ng below minimum.

Ito ang inihayag ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas sa naganap na House plenary debate kaugnay sa  panukalang 2024 budget ng Dept. of Labor and Employment.

Aniya,  ibig sabihin nito ay 46.8% o halos kalahati ng mahigit 13M na empleyado ang below minimum o minimum wage earners.

Tanong pa ni Brosas, paano nagiging posible ang underpayment ng minimum wage, gayong ipinagbabawal  ito at itinuturing na criminal offense?

Kinumpirma naman ni Quezon 2nd District Rep. David Suarez, na budget sponsor ng DOLE sa Kamara ang nasabing bilang.

Dahil dito, nanawagan si Brosas ng mas malaking pondo para sa kagawaran upang maparami ang labor inspector sa buong bansa sa susunod na taon, na kasalukuyan lamang nasa 1,210. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author