Nakapagtala ang Department of Health ng 2,079 na bagong HIV cases noong Marso, mas mataas ng 35% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Batay sa HIV/Aids & Registry of the Philippines, ang daily average na bilang ng mga taong na-diagnose na may HIV noong Marso ay 54.
Sa mga bagong diagnosed na HIV cases, mayorya o 95% o 1,981 ay mga lalaki habang 5% o 97 ay mga babae.
Sa age group, pinakamarami ang bilang ng HIV infections sa 25-34 years old na nasa 1,006; sumunod ang 15-24 years old na may 635; 35-49 years old na may 383; at 50 years old pataas na may 46.
Walong bata rin ang nahawaan ng HIV ng kanilang mga ina habang 10 HIV-positive women na buntis ang na-diagnose noong Marso.
Nangunguna pa ring sanhi ng pagkahawa ang sexual contact na kumakatawan sa 2,025 cases o 97%. —sa panulat ni Lea Soriano