Nasa isang pasilidad na ng pamahalaan ang 25 Pilipino na biktima ng human trafficking at illegal recruitment na nasagip sa Cambodia.
Nagtrabaho umano ang mga biktima bilang scammers sa isang crypto farm.
Sinimulang hanapin ng mga opisyal ng Philippine Embassy ang mga manggagawa makaraang ilan sa kanila ang humingi ng tulong dahil hindi sila binabayaran ng kanilang mga employer.
Inihayag din ng embahada na lahat ng nasagip na Pinoy ay walang Overseas Employment Contract at hindi sumailalim sa legal na proseso.
Mayroong ilan na nakalabas ng Pilipinas ay dahil nagpanggap na mga turista habang ang iba ay bumiyahe mula Mindanao at tumawid sa Malaysia at Brunei saka sumakay ng eroplano patungong Cambodia. —sa panulat ni Lea Soriano