dzme1530.ph

Mahigit 20 maritime militia ships ng China, naispatang patungo sa Pag-asa Island

Dalawampu’t isang Chinese militia ships ang namataan patungong Pag-asa Island sa West Philippine Sea, ayon sa US Maritime Security Expert.

Sinabi ni dating US Airport Official at Ex-Defense Attache Ray Powell sa X (dating Twitter), na napalibutan ang BRP CABRA ng Philippine Coast Guard ng Chinese vessels habang naglalayag patungong hilaga ng Pag-asa Island.

Ang 21 Chinese vessels ay pinaniniwalaang kasama sa pulutong nang mangyari ang insidente sa Ayungin Shoal noong Aug. 5 nang harangin at bombahin ng Chinese Coast Guard ang Philippine vessels na nasa resupply mission patungong BRP Sierra Madre.

Inihayag ni Powell na 19 na Chinese militia ships ang nananatili rin sa Ayungin Shoal habang ang tatlong CCG vessels na sangkot sa naturang insidente ay nakabalik na sa Hainan Island. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author