Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na lalong pag-iibayuhin ang pagkontrol o pagtanggal ng child labor sa bansa.
Ayon sa DOLE, bukod sa mahigpit na Anti-Child Labor Campaigns, ang kagawaran, bilang pinuno ng National Council Against Child Labor (NCACL) ay nanguna sa pagbuo ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL) Strategic Framework 2023-2028.
Kaugnay nito mayroon ng 1.37 million na batang Filipíno ang magtratrabaho na ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa report ng Special Release on Working Children Situation para sa 2019 – 2021 na inilimbag ng PSA noong March 3, 2023, sa nasabing bilang 935,000 ay sangkot sa child labor.
Alinsunod sa nabanggit na report, nangunguna ang sektor ng agrikultura na may pinakamaraming child laborers habang ang Northern Mindanao Region ang nangungunang lugar kung saan pinakamarami ang insidente ng mga batang maagang nagtratrabaho. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News