dzme1530.ph

Mahigit 1K volunteer para sa FIBA World Cup, ide-deploy ng SBP

Mahigit 1,000 volunteer ang ide-deploy ng Local Organizing Committee ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, sumailalim sa training sessions ang qualified volunteers upang mabigyan ng “Best World Cup” experience ang mga international players at delegates gamit ang “Filipino Brand of Service Excellence.”

Bago naman ang pag-uumpisa ng laban sa August 25 hanggang September 10, magkakasa muna ng World Congress ang FIBA simula August 23 hanggang 24 na lalahukan ng mga miyembro ng Central Board sa Sofitel Manila. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author