dzme1530.ph

Mahigit 167K customer ng Maynilad, makatatanggap ng rebate

Makatatanggap ng balik-bayad ang mahigit 167-000 lifeline customers ng Maynilad sa kanilang May 12 bill.

Ayon sa water concessionaire, ang rebate ay bunsod ng kaliwa’t kanang ipinatutupad na water service interruption.

Mayroon anilang P10.81-M na kabuuang halaga na isasauling bayad sa mga customer na naninirahan sa ilang bahagi ng Makati, Pasay, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, at Cavite.

Matatandaang i-nextend ng Maynilad ang daily water service interruptions nito sa Metro Manila at Cavite hanggang May 16 dahil sa mababa pa ring produksyon sa Putatan Water Treatment Plants.

About The Author