dzme1530.ph

Mahigit 150 Pilipino sa Sudan, nanawagang ma-repatriate —DFA 

Umabot na sa 156 na Pilipino ang nanawagang ma-repatriate sa gitna ng bakbakan ng militar at Rapid Support Forces (RSF) sa Sudan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Usec. Eduardo Jose de Vega, mula ang nasabing bilang sa mahigit 500 Pinoy na nagmensahe sa Embahada ng Pilipinas sa Egypt.

Kaugnay nito, may dalawang ruta na maaaring gamitin ang ahensya upang matulungan ang mga Pilipino roon, kabilang ang pagbiyahe papunta sa Port of Sudan kung saan may mga ferry patungong Saudi Arabia o/at pagpunta sa border ng Egypt kung saan dadalhin ng isang team ang mga Pinoy sa Lungsod ng Aswan, at mula roon ay ililipad pabalik sa Maynila.

Samantala, sinabi ni de Vega na magsisimula sa mga susunod na araw ang repatriation ng mga apektadong Pilipino sa Sudan.

About The Author