dzme1530.ph

Mahigit 11M senior citizens, inaasahang boboto para sa BSKE sa Lunes

Inaasahang boboto ang nasa mahigit 11 milyon na senior citizens para sa Barangay at SK Elections sa Lunes.

Sinabi ni Atty. Franklin Quijano, Chairman ng National Commission for Senior Citizens na maituturing ito na malaking bilang mula sa hanay ng mga nakatatanda.

Ikinalugod din ni Quijano ang pagtupad ng Commission on Elections sa pangako nito na maglaan ng special polling precints para sa mga senior citizens, na layong mapagaan ang kanilang gagawing pagboto.

Samantala, umaasa si Quijano na matutugunan ng ahensya ang iba pa nilang hiling tulad nh electronic voting para sa mga nakatatanda na hindi na makalakad o nasa malalayong lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author