dzme1530.ph

Mahigit 100,000 trabaho alok ng DOLE ngayong Araw ng Kalayaan

Aabot sa higit 110,000 trabaho ang i-aalok sa job fair na idaraos sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) karamihan sa mga available na trabaho ay nasa Administrative and Support Services, Manufacturing, Wholesale and Retail Trade, at Repair of Vehicles and Motor.

Ang bawat rehiyon sa bansa ay magkakaroon ng mga Job Fair sa iba’t ibang venue na maaaring makita sa website ng DOLE Bureau of Local Employment.

Tinatayang abot sa 48 Job Fair Sites ang bubuksan ng Labor Department sa lahat ng rehiyon ngayong Araw ng Kalayaan.

Layunin ng nasabing aktibidad na matulungan magkaroon ng trabaho ang mga walang hanapbuhay kung saan hinihimok ng DOLE ang publiko na makiisa at samantalahin ang pagkakataon. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author