dzme1530.ph

Mahigit 10% ng pamilyang Pilipino, nakaranas ng gutom noong Hunyo -SWS

Mahigit 10% ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom dahil walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Batay sa resulta ng June 2023 hunger figure, nasa 10.45 ng Filipino families ang nagugutom, mas mataas ito kumpara sa 9.8% noong March at mas mababa naman sa 11.8% na naiulat noong December 2022.

Sa nasabing hunger rate noong June, 8.3% dito ay nakaranas ng moderate hunger o medyo gutom at 2.1% ang severe hunger o matinding gutom.

Ang moderate hunger ay tumutukoy sa mga indibidwal na nakararanas ng gutom ng isang beses habang ang severe hunger ay nangangahulugang madalas at laging nararanasan ang kagutuman.

Samantala, isinagawa ang survey noong June 28 hanggang July 1, 2023 na nilahukan ng 1,500 adult respondents sa buong bansa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author