Aabot sa 1,279,437 milyong rekord ng empleyado at aplikante ng Philippine National Police (PNP) ang nakompromiso matapos ang massive data hack ayon sa inilabas na ulat ng cybersecurity research company na Vpnmentor nitong Martes.
Sa report, kabilang sa mga nakompromisong dokumento ang birth certificates, transcript of records, diplomas, pasaporte, at id cards ng mga pulis.
Kung saan nakapaloob anila ang mga fingerprint scan, pirma, at iba pang mahahalagang impormasyon ng mga ito.
Nagmula umano ang mga dokumento sa PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue, Special Action Force Operations Management Division, Civil Service Commission, at iba pa.
Ayon sa Vpnmentor.com, may posibilidad na gamitin sa pang ba-black mail o iba pang uri ng krimen ang nag-leak na personal imformation ng mga miyembro ng PNP.
Samantala, sa panig ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), kanila pa anilang kinukumpirma ang naganap na data breach sa kanilang hanay.