dzme1530.ph

Mahigit ₱329-B na halaga ng investment pledges, inaprubahan sa unang limang buwan ng 2025

Loading

Inaprubahan ng Board of Investments (BOI) ang ₱329.52-B na halaga ng investment pledges, simula Enero hanggang Mayo ng 2025.

Dahil dito, inaasahang makapagpo-proseso ito ng ₱1.12-T na halaga ng mga proyekto sa susunod na dalawang quarter.

Apat na projects ang inaprubahan ng Investment Promotion Agency sa unang limang buwan ng taon, kung saan ₱61.52-B ng kanilang total value ay mula sa foreign investors at ₱268-B ay mula sa domestic investors.

Gayunman, ang inaprubahang investment pledges sa naturang panahon ay mas mababa ng 48.53% kumpara sa ₱640.22-B na halaga ng mga pinayagang proyekto noong nakaraang taon.

About The Author