Muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, May 2.
Batay sa pagtaya, posibleng maglaro sa P1.50 hanggang P1.80 ang tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina;
P1.20 hanggang P1.50 naman sa kada litro ng diesel habang P1.10 hanggang P1.40 naman sa kada litro ng kerosene.
Nabatid na kadalasang ipinapatupad ng mga oil companies ang price adjusment sa produktong petrolyo tuwing Martes.