dzme1530.ph

Mahigit ₱19-B smuggled items, nasabat ng BOC mula Jan-Mar 2023

Mahigit ₱19.22-B na halaga ng smuggled items ang nakumpiska ng Bureau of Customs simula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Ito ang nakasaad sa report na inilabas ng kawanihan, kung saan karamihan sa mga smuggled na produkto ay counterfeit goods na nagkakahalaga ng mahigit ₱13.24 –B.

Tinaya naman sa ₱2.552-B ang halaga ng mga nasamsam na agricultural products habang ₱849-M ang illegal drugs.

Noong 2022 ay nakakumpiska ang BOC ng mahigit ₱24-B na halaga ng mga smuggled na produkto.

About The Author