dzme1530.ph

Maharlika Investment Fund, tiniyak na may mga sapat na safeguards

Tiniyak ni Sen. Mark Villar na marami silang safeguards na inilagay sa Maharlila Investment Fund Bill upang maiwasang maging negatibo ang resulta nito.

Ito ay nang tanungin ni Senador Win Gatchalian si Villar kung handa ang Maharlika Fund na maiwasan ang kabiguan o pagkalugi tulad nang nangyari sa 1Malaysia Development Berhad scandal.

Sa naturang scandal, umabot sa $4.5-B ang nawala bunsod ng katiwalian.

Sinabi ni Villar na protektado ang Maharlika Investment Fund ng multiple safeguards kabilang na ang presensya ng internal at external auditors; advisory board na binubuo ng financial experts mula sa public at private sectors; isang investment risk management group; congressional oversight mula sa Senado at Kamara at kahalintulad ding oversight mula sa Commission on Audit.

Ipinaliwanag ni Villar na kumpara sa 1Malaysia Development Berhad na walang malinaw na kontrol, ang Maharlika Fund ay nilagyan nila ng iba’t ibang level na kontrol.

Nanindigan si Villar na sapat ang mga ito upang matiyak na hindi mangyayari sa Maharlika Fund ang malfeasance sa investment fund sa Malaysia. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author