Nanawagan si Albay Cong. Joey Salceda sa Economic managers ng Marcos Administration na ipatala na sa Local at International Stock Markets ang Maharlika Investment Fund.
Ayon sa Chairman ng Ways and Means Panel, magandang estratihiya sa pagpapakilala ng MIF ang pag-engage sa multilateral banks bilang strategic partners.
Paraan din aniya ito para ipakita na may “Good Corporate Governance at Oversight” ang MIF na magagamit bilang leverage sa private sector funding.
Kumbinsido ang ekonomistang mambabatas na kapag ipinalista bilang investment company ang Maharlika sa Capital Market, mas magiging mabilis ang paglago nito.
Nais din nitong hikayatin ang World Bank, ADB at iba pang international banks bilang strategic partners upang tumaas ang lebel ng transparency.
Dagdag pa nito, ang mga listed companies ay dumadaan sa “Stricter Disclosure Standards.”
Bagama’t sa final version ng MIF na ipinadala kay PBBM for signature ay “silent” ang public listing, umaasa pa rin si Salceda na sa bubuuhing IRR isasama ito bilang “Plan of Action.” —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News