dzme1530.ph

Maharlika Investment Fund Bill, pag-aaralan munang mabuti ni Sen. Gatchalian bago bumoto pabor dito

Pag-aaralan munang mabuti ni Sen. Win Gatchalin ang bawat probisyon sa panukalang Maharlika Investment Fund bago bumoto pabor dito o hindi.

Sinabi ni Gatchalian na ikinatutuwa niyang sa kanyang limang rekomendasyon, apat na ang tinanggap ng author at sponsor ng panukala na si Sen. Mark Villar.

Gayunman, nananatili ang pangamba niya hangga’t hindi pa rin inaalis sa panukala bilang source of fund ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ng senador na sa sandaling gamitin bilang source of fund ang BSP ay hahaba ang panahon upang maiangat ang capitalization ng Central Bank na krusyal sa banking industry.

Aminado si Gatchalian na bagama’t marami nang nabago sa bersyon ng Senado para sa Maharlika Investment Fund ay marami pa ring probisyon ang dapat na isaaayos. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author