Pinaplano ng Maharlika Investment Corp. na i-invest ang bahagi ng Maharlika Fund sa National Grid Corp. of the Philippines.
Ito ay sa harap ng isyu sa umanoy kapalpakan ng NGCP sa nangyaring power outage sa Panay Island.
Inendorso ni MIC President at Chief Executive Officer Rafael Consing Jr. ang mungkahi ni House Speaker Martin Romualdez na i-invest ang Maharlika Fund sa NGCP.
Sa pamamagitan umano nito ay mapalalakas pa ang energy sector at matutugunan ang malawak na mga hamon sa enerhiya.
Sinabi rin ni Consing na ang NGCP ang backbone ng power system ng bansa, at ang maayos na operasyon nito ay mahalaga para sa ekonomiya at lipunan.
Gayunman, tiniyak ng MIC Chief na pag-aaralan muna nilang mabuti ang pag-iinvest nang may kaakibat na pag-iingat para masigurong magiging kapaki-pakinabang ito sa publiko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News