Ipinadedeklara nina Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre, ang buong Maharlika Highway bilang National Food Highway (NFH).
Ang House Bill 8197 o National Food Highway Act of 2023 ay naglalayong mapabilis ang byahe ng agri-products, perishable goods, mapababa ang post-harvest losses ng mga magsasaka at ang presyo ng produkto sa merkado.
Magiging integrated system ang mga daan at pasilidad para sa maayos na processing, storage, distribution at monitoring ng food products sa buong streach ng Maharlika Highway mula Laoag City sa norte hanggang Zamboanga City sa Mindanao.
Bukod sa efficient delivery of goods, susi din ito para ma-develop ang agri-tourism at iba pang agri-related businesses sa buong road network.
Ang D.A. at DTI ang in-charge sa konstruksyon ng processing at storage facilities, kasama ang pagbibigay ng technical assistance sa mga magsasaka para sa tamang processing.
Ang DoTr katuwang ang DPWH ang sisiguro sa maayos na road network, transportation at distribution system ng mga produkto, habang ang DOH ang inaatasan sa food monitoring at food safety standards. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News