Iprinisenta na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Saudi Arabia ang Maharlika Investment Fund.
Sa roundtable meeting sa Riyadh kasama ang Saudi business leaders, ipinakilala ng Pangulo ang Maharlika Fund bilang itong kauna-unahang Sovereign Investment Fund ng Pilipinas.
Sinabi ni Marcos na layunin ng Maharlika Fund na isulong ang long-term development ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalakas ng investments sa high-impact sectors.
Umaasa ang Pangulo na makikinabang ang Pilipinas hindi lamang sa investments ng Saudi Arabia kundi sa kanilang karanasan sa pamamahala ng Sovereign Wealth Fund.
Itinuloy ni Marcos ang presentasyon ng Maharlika Fund sa kabila ng sinuspindeng Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News