dzme1530.ph

Maharlika Fund, ipipilit pa ring maging operational bago matapos ang taon!

Pipilitin pa rin ng administrasyon na maging operational ang Maharlika Investment Fund bago matapos ang taon.

Ito ay sa kabila ng sinuspindeng Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act habang ito ay muling pinag-aaralan.

Sa kanyang departure speech sa Villamor Airbase bago tumulak patungong Saudi Arabia, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nananatiling maganda ang konsepto ng Sovereign Fund, at sisikapin pa rin nilang gawin itong operational bago magwakas ang 2023.

Ibinahagi naman ni Marcos na aayusin nila ang organizational structure ng Maharlika Fund.

Iginiit ng Pangulo na hindi dapat ma-misinterpret ang ginawang aksyon sa Maharlika Fund, dahil humahanap lamang sila ng paraan upang mailapit ito sa pagiging perpekto kaakibat ang konsultasyon sa economic managers at sa mga personalidad na magiging bahagi ng Wealth Fund. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author