dzme1530.ph

Maharlika Fund, ipe-presenta pa rin ng Pangulo sa Saudi Arabia sa kabila ng sinuspindeng IRR

Ipi-presenta pa rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund sa kanyang official trip sa Saudi Arabia.

Ito ay kahit na sinuspinde ang Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act.

Sa departure ceremony sa Villamor Airbase sa Pasay City, inamin ng Pangulo na na-alarma siya nang mabasa sa mga pahayagan ang tungkol sa suspensyon ng implementasyon ng batas.

Sa kabila nito, kinumpirma ni Marcos na magiging isa pa ring mahalagang bahagi ng kanyang biyahe sa Saudi Arabia ang pagpapakilala sa Maharlika Fund sa buong mundo partikular sa Middle East.

At dahil umano sa magagandang reaksyon mula sa gitnang-silangan, kampante si Marcos na tinatahak nila ang tamang direksyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

 

About The Author