Naungusan ng Magnolia Hotshots ang Barangay Ginebra sa score na 80–73 sa opening game ng 50th season ng PBA sa Smart Araneta Coliseum, sa unang laban ni LA Tenorio bilang head coach ng Hotshots.
Sa kabila ng nakatutok na spotlight dahil sa kanyang unang coaching gig, sinabi ni Tenorio na ang panalo ay tungkol sa mga player.
Aniya, nais umano ng mga manlalaro na ibigay sa kanya ang unang panalo bilang coach, bagay na lubos niyang na-appreciate.
Umaasa si Tenorio na ito na ang simula ng magandang journey ng Magnolia sa bagong season.
Pinangunahan ni Zavier Lucero ang Hotshots sa kanyang 17 points, 7 rebounds, 4 assists, at 4 steals, habang nag-ambag sina Jerom Lastimosa at Javi Gomez de Liaño ng tig-14 points, at Rome Dela Rosa ng 12 points.