dzme1530.ph

Magnitude 7 na lindol, tumama sa China-Kyrgyzstan border

Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang China-Kyrgyzstan border kaninang madaling araw.

Ayon sa mga otoridad, naitala ang episentro ng lindol sa Xinjiang Region, 140 kilometers ang layo mula sa kanluran ng Aksu City.

Napinsala ng pagyanig ang dalawang bahay at isang livestock farm sa Wushi County, at nawalan din ng kuryente sa ilang lugar.

Inilikas naman ang ilang residente mula sa isang kalye sa Bishkek City matapos makaranas ng malakas na pagyanig.

Gayunman, walang naitalang casualties ang mga otoridad sa nangyaring lindol. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author