dzme1530.ph

Magnitude 6.3 na lindol, yumanig sa bayan ng Calatagan, Batangas

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Batangas kaninang alas-10:19 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol apat na kilometro ang layo sa timog-kanlurang bahagi ng Calatagan, Batangas.

May lalim ang lindol na 103 kilometro, at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity 4 sa ilang bahagi ng Metro Manila gaya ng Quezon City at karatig-lalawigan.

Nilinaw din ng PHIVOLCS na walang kinalaman ang aktibidad ng bulkang Taal sa nangyaring lindol at wala ring inaasahang tsunami kaugnay rito.

Subalit, sinabi ng PHIVOLCS na asahan ang pinsala at aftershocks kasunod ng pagtama ng lindol sa naturang lalawigan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author