dzme1530.ph

Magnitude 5.1 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang baybayin ng Surigao del Sur kaninang 9:11 ng umaga.

Naitala ang episentro ng lindol, 25 kilometro sa timog-silangan na bahagi ng Hinatuan.

May lalim ito na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity V sa Bislig City, Surigao del Sur.

Instrumental Intensity 3 sa Bislig City, Surigao del Sur at Instrumental Intensity 2 sa Nabunturan, Davao de Oro.

Samantala, walang inaasahan ang Phivolcs na maitatalang pinsala at aftershocks sa nangyaring lindol. —sa panulat ni Airiam Sancho

2

About The Author