Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsiya ng Surigao del Sur kaninang alas-5:43 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS natunton ang sentro ng lindol sa layong 50 kilometers hilagang silangan ng bayan ng Cagwait.
May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang origin nito.
Naramdaman ang intensity 2 sa Bislig City, Surigao del Sur habang naiulat din ang instrumental intensity 1 sa Tandag City, Surigao del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pagkasira sa mga istruktura, at aftershocks, dulot ng naturang pagyanig.