dzme1530.ph

Magiging bagong tahanan ng Eat Bulaga, posibleng ianunsiyo na bukas

Nakikipag-usap na sa iba’t-ibang network ang kampo nina Tito, Vic and Joey hinggil sa magiging bagong tahanan ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”

Ayon kay Tito Sen., sakaling makapili’t makapagdesisyon na ang kanilang grupo posibleng bukas, June 7, mai-a-anunsiyo na ng mga ito kung saan sila lilipat.

Dagdag nito “if things work out the way we want it to, baka first week of July ay makapagpalabas na tayo”.

Matatandaang May 31 nang ihayag ng TVJ ang kanilang pag-alis sa Tape Inc. na kaagad sinundan ng pagbibitiw ng iba pang program hosts gaya nina, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K., Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, at Ryzza Mae Dizon.

Kahapon, June 5, muling sumahimpapawid ng live ang Eat Bulaga sa pangunguna ng mga bagong hosts na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, na nakatanggap ng batikos, puna, at nakakatawang reaksiyon mula sa netizens at bashers.

 

 

About The Author