dzme1530.ph

Madonna, nakauwi na mula sa ospital matapos tamaan “serious bacterial infection”

Nakauwi na si Madonna matapos ang ilang araw na pananatili sa ospital at bumuti ang pakiramdam, ayon sa source na malapit sa 64-year old pop superstar.

Nagkasakit si Madonna matapos magkaroon ng “serious bacterial infection” na nagresulta sa pagkaka-confine niya sa intensive care unit, batay sa statement ng kanyang manager na si Guy Oseary.

Inaasahan naman na makare-rekober ng tuluyan ang pop superstar, subalit kailangang ipagpaliban ang kanyang 84-date “Celebrations” tour na magsisimula sana sa July 15.

Ang kanyang global, nearly-soldout tour, ay pasasalamat ni Madonna sa mga fans sa mahigit apat na dekada niyang career. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author