dzme1530.ph

Madalas na pag-selfie, posibleng sensyales ng mental disorder ayon sa pag-aaral!

Sa pag-aaral na inilathala sa International Journal of Mental Health and Addiction, posibleng senyales ng mental disorder ang walang humpay na pag-selfie.

Ayon sa dalawang psychologist na sina Mark D. Griffiths at Janarthanan Balakrishnan, sinuri nila ang social media behavior ng 225 studyante mula sa Indian Universities.

Natuklasan ng mga researchers na ang mga estudyanteng nagse-selfie ng tatlong beses ngunit hindi nai-post sa social media ay nabibilang sa Borderline category, at Acute category naman para sa tatlong beses nag-post.

Itinuturing namang may ‘uncontrollable urge’ kung anim na beses o higit pa ang pagseselfie at pinopost sa social media.

Naniniwala rin sina Griffiths at Balakrishnan na maituturing na “technological addiction” ang ‘selfitis’.

Sa paliwanag, mas mababa ang tiwala sa sarili at aminadong kaya nagpost ng litrato online ay para makipag kompetensya sa iba at para makakuha ng atensyon.

Naniniwala sina Griffiths at Balakrishnan na magsisilbing gabay ito sa mga darating pang research kaugnay ng selfies at addiction. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author