dzme1530.ph

Mac Belo, lumagda ng one-year deal sa Rain or Shine

Inanunsyo ng Rain or Shine Elasto painters sa pamamagitan ng Instagram na lumagda sa kanila ng one-year deal ang dating UAAP Most Valuable Player na si Mac Belo.

Si Belo ay bahagi ng one-to-one deal sa pagitan ng Rain or Shine at Meralco Bolts kung saan “sin-wap” siya kapalit ng kapwa UAAP Alumni na si Norbert Torres.

Ang 6-foot-4 forward, na dating top-three pick sa 2016 PBA special draft ay magkakaroon ng tsansa na ilabas ang kanyang potensyal sa ilalim ng paggabay ni Coach Yeng Guiao, makaraang ma-underutilize o hindi masyadong nagamit sa mga nakalipas na seasons ng liga. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author