dzme1530.ph

Mabigat na daloy ng trapiko simula ngayong Biyernes hanggang bukas, inaasahan ng NLEX

Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway simula ngayong Biyernes, January 19 hanggang bukas.

Ayon sa pamunuan ng NLEX Corp., ito ay dahil sa dalawang araw na concert na gaganapin sa Philippine Arena.

Partikular na makararanas ng pagsikip sa trapiko ang patungo ng Bocaue at Sta.Maria, Bulacan.

Dahil dito, pinayuhan ng pamunuan ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa alternatibong mga ruta o mag-exit sa Marilao, Bocaue, o Tamububong.

Gayunman, tiniyak ng NLEX Corp. na magdedeploy sila ng traffic personnel sa strategic areas upang umagapay sa mga motorista. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author