dzme1530.ph

Mabagal na pagnguya, nakatutulong upang mabawasan ang timbang

May iba’t ibang mga pamamaraan upang mabawasan ang timbang o pumayat.

Sa pagsasaliksik ng mga eksperto, natuklasan na ang mabagal na panguya ay may benepisyo sa weight loss.

Nakatutulong ang pagnguya nang mabagal upang madurog ang mga kinain bago pa man ito bumaba sa tiyan.

Sa pamamaraan na ito, mas madaling ma-digest ang mga pagkain.

Ang tiyan at maliit na bituka o small intestine ay nagbibigay rin ng senyales sa ating utak kapag ang ating nakain ay sapat na, kaya naman ipinapayo ng mga eksperto na dahan-dahan lamang sa pagnguya upang ma-absorb nang maigi ang sustansya ng ating kinain at maiwasan ang pagtaba. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author