dzme1530.ph

Maayos na relasyon sa pagitan ng gobyerno, industriya at obrero, isinusulong

Nananatiling hamon kay Rizal Cong. Fidel Nograles, chairman ng Committee on Labor and Employment ang pagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng manggagawang Pilipino.

Sa paggunita ng Araw ng Paggawa, tiniyak ni Nograles na asahan ang patuloy nitong pakikibaka sa paraan ng lehislasyon para isulong ang maayos na relasyon sa pagitan ng gobyerno, industriya at obrero.

Hiningi rin nito ang pang-unawa ng mga manggagawa na humihirit ng umento sa sahod para makaagapay sa tumataas na gastusin.

Bilang chairman ng labor and employment panel sa Lower House, naiintindihan nya ang pinagmumulan ng panawagan subalit kailangan ding balansehin ang interes ng stakeholders.

Pakiusap ni Nograles, kaunting pasensya pa dahil tinitimbang nito at sinisiguruhin na ang maipapasang batas kaugnay sa wage increase ay totoong makakatulong sa problema ng mga manggagawa. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

 

About The Author