dzme1530.ph

Luzon, Visayas at Mindanao grid, isasailalim sa red, yellow alert status ngayong araw

Ilalagay sa red at yellow alerts ang Luzon, Visayas at Mindanao grid ngayong araw, bunsod ng kakulangan sa suplay ng kuryente.

Isasailalim sa Red Alert status ang Luzon Grid mamayang 3:00pm hanggang 4:00pm habang yellow alert status, mula kaninang 1:00pm hanggang 3:00pm at ibabalik 4:00pm hanggang 10:00pm.

Nakataas naman sa red alert ang status ng Visayas grid alas-12 kaninang tanghali na tatagal hanggang 5:00p.m at ibabalik ng 6:00p.m hanggang 8:00p.m, ibababa naman ito sa yellow alert status mamayang 5:00p.m hanggang 6:00pm at 8:00p.m hanggang 9:00p.m.

Simula naman kaninang 10:00a.m hanggang mamayang 4:00p.m., nakasailalim sa yellow alert ang Mindanao Grid.

About The Author