Patuloy na makakaapekto sa Luzon ang Northeast monsoon o Amihan habang namataan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 630 km east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA, maulap at paminsan-minsan pag-ulan ang mararanasan sa Caraga at Davao region bunsod ng umiiral ng lpa.
Bahagyang maulap hangang sa isolated rainshower ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Aurora, at Northern Quezon dahil sa Amihan.
Maulap hangang sa pakalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Visayas at maraming bahagi ng Mindanao dahil sa pinagsanib na LPA at localized thunderstorm.
Sumikat ang araw kaninang alas 6:06 ng umaga at lulubog naman ang araw mamayang alas-6:06 ng gabi.