Ipinagpaliban muli ng Space Agency ng Japan ang paglulunsad ng kanilang “Moon Sniper” Lunar Mission bunsod ng hindi magandang lagay ng panahon.
Ito na ang ikatlong postponement para sa naturang misyon.
Ang HII-A Rocket ay mayroon ding kargang research satellite na dinivelop kasama ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) at European Space Agency.
Hindi pa nagtatakda ang Japan ng panibagong petsa para sa susunod na pagtatangka na gawin ang misyon. —sa panulat ni Lea Soriano