Nananatili ang inflation bilang isa sa mga agam-agam ng mga Pilipino.
Ayon sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong December 3 hanggang 11, isang urgent at national concern ang inflation para sa 74% ng mga Pilipino.
Sumunod dito ang taas sahod na may 40% at paglikha ng mas marami pang trabaho na may 28%
Nabatid din na 73% ng mga Pilipino ang dismayado sa pagtugon ng gobyerno sa lumalalang inflation ng bansa.
Samantala, nakalikom naman ng mataas na approval ratings ang Administrasyong Marcos sa pagprotekta sa kapakanan ng mga overseas filipino worker, pagtugon sa calamity-hit areas, pagprotekta sa kalikasan, pag-promote ng kapayapaan, at pagtanggol sa territorial integrity.