dzme1530.ph

LTO, posibleng maubusang muli ng plastic cards para sa driver’s license

Posibleng maubusan na naman ng plastic cards para sa lisensya ang Land Transportation Office sa loob ng dalawang linggo.

Ito ang kinumpirma ni LTO Assistant Vigor Mendoza II sa harap na rin ng nakabinbing approval para sa apat na milyong plastic cards mula sa pribadong sektor.

Una nang nagpasabi ang Philippine Society of Medicine na handa silang magdonate ng apat na milyong plastic cards sa LTO para magamit sa lisensya.

Gayunman, naghihintay pa rin ang LTO ng legal opinion mula sa Office of the Solicitor General at maging sa Kongreso. DZME News

About The Author