Ipinagbawal ng Land Transportation Office ang pagkumpiska sa plaka ng mga sasakyang nahuhuli ng kanilang law enforcers at deputized agents.
Inihayag ng LTO na nag-isyu ng memorandum ang kanilang Chief na si Jay Art Tugade bilang tugon sa mga tanong at reklamo na natatanggap ng ahensya.
Nakasaad sa statement na upang maiwasan ang kalituhan, lahat ng LTO enforcement personnel at kanilang deputized agents ay pinagbabawalang kumpiskahin ang motor vehicle license plates kapalit ng physical impoundment ng nahuling sasakyan.
Nakasaad din na sa lahat ng pagkakataon, kung saan ang penalty ay kinabibilangan ng confiscation, suspension o revocation ng driver’s license o student permit, pati na suspension o revocation ng registration ng sasakyan, ay hindi agad maipatutupad, isasailalim muna sa alarma ang lisensya o rehistro hanggang sa maipataw na ang tamang parusa. —sa panulat ni Lea Soriano