dzme1530.ph

LTO, ipa-uubaya sa DOTr ang pagbuo ng guidelines hinggil sa pagtanggap ng donasyong plastic cards

Ipa-uubaya ng Land Transportation Office(LTO) sa Dept. of Transportation ang pagbuo ng guidelines ukol sa pagtanggap ng mga donasyong plastic cards.

Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, kaugnay ito sa tinanggihan nilang donasyon na 4 million plastic cards para sa driver’s licenses, na mula sa Philippine Society of Medicine for Drivers.

Giit ni Mendoza, ayaw nila na libre ang mga card, at mayroong mga grupo o indibidwal na mapapaburan ng donasyon sa kabila nang pagtiyak ng donor na hindi sila pwedeng mapaburan.

Nabatid na inaasahan ng LTO na makatutulong ang donasyon upang matugunan ang mga backlog sa pag-iisyu ng driver’s licenses. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author