dzme1530.ph

LTO Chief Jay Art Tugade, nagbitiw sa pwesto!

Nagbitiw sa pwesto si Land Transportation Office Chief Atty. Jay Art Tugade.

Ibinahagi ng Presidential Communications Office ang statement ni Tugade kaugnay ng pagbaba sa pwesto.

Ayon kay Tugade, bagamat kapwa hinahangad ng LTO at Dep’t of Transportation na magtagumpay sa paghahatid ng serbisyo sa publiko, may pagkakaiba naman sa kanilang mga pamamaraan.

Dahil dito, nagpasiya umano ang LTO Chief na magbitiw sa pwesto upang makapili si Transportation Sec. Jaime Bautista ng taong makaka-trabaho niya ng maayos.

Tiniyak naman ni Tugade na ipagpapatuloy niya ang pag-suporta sa LTO kahit siya ay isang pribadong mamamayan na lamang. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author