dzme1530.ph

LTFRB, sinimulan nang tumanggap ng special permit applications para sa nalalapit na undas

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tumanggap ng special permit applications ng mga Public Utility Buses (PUBS) para sa nalalapit na undas sa buwan ng Nobyembre

Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, isa itong paraan ng paghahanda ng ahensya sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya sa darating na araw ng mga patay.

Layon din aniya ng special permit na ito na matugunan ang kakulangan ng pampublikong transportasyon sa bansa sa tuwing sumasapit ang panahon ng undas.

Magiging epektibo ang naturang special permit mula Oktubre 10, 2023 hanggang Nobyembre 6, 2023

Paglilinaw pa ng opisyal, 30% lamang ng kabuuang bilang ng authorized units sa bawat operator ng isang ruta ang papayagan na mag-apply para sa special permit. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author