Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malabo pa sa ngayon ang pag-phase out ng mga tradisyunal na dyip sa bansa.
Gayunman posible pa rin aniyang ipatupad ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na base sa 40 konsultasyon na isinagawa ng gobyerno, mayorya sa mga daing ng transportation sector ay ang phaseout ng traditional jeepney.
Paglilinaw ng opisyal, maaari pa ring pumasada ang mga jeepney driver sa kanilang mga ruta basta’t ligtas bumiyahe ang kanilang sasakyan o pumasa sa basic tests ng Land Transportation Office (LTO).
Samantala iginiit ni Guadiz na may nakahandang social support program ang pamahalaan para sa mga tsuper na mawawalan ng kabuhayan sa oras na magsimula na ang PUV Modernization Program. —sa panulat ni Jam Tarrayo