dzme1530.ph

LTFRB, nilinaw na isinantabi lamang at hindi ibinasura ang hirit na pisong “surge fee” ng transport groups

Nilinaw ng Land Transportaion Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isinantabi lamang at hindi nila ibinasura ang panukalang pisong rush hour fare increase ng ilang transport groups.

Ayon sa LTFRB, sa kasalukuyan ay pinag-aaralan nila ang bagong petisyon na P2.00 dagdag-pasahe sa mga jeepney sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Tiniyak ng ahensya na reresolbahin pa rin nila ang naunang petisyon subalit kailangang bigyan ng prayoridad ang pinakabagong petisyon na inihain bunsod ng sunod-sunod na oil price hike.

Kabilang sa mga grupong nagsumite ng proposal para sa P2.00 dagdag-pasahe ay ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Piston, Stop & Go Transport Coalition Inc., at FEJODAP. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author