dzme1530.ph

LTFRB, nilinaw na hindi aabot sa 38K PUJ operators at drivers ang mawawalan ng trabaho pagsapit ng Pebrero

Hindi aabot sa 38,000 na public utility jeepney (PUJ) operator at driver ang mawawalan ng trabaho dahil sa Public Utility Vehicle Modernization Program pagsapit ng February 1, 2024.

Batay sa datos na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa 97.18% ng kumpirmadong PUJ units sa Metro Manila ang nakapag-consolidate na.

Katumbas ito ng 21,655 units mula sa 22,284 confirmed units, kaya maliit na bilang o nasa 629 confirmed units ang bigong makapag-consolidate matapos ang deadline noong December 31, 2023.

Nilinaw ng LTFRB na maaaring sumailalim ang operators o drivers ng mga unit na ito sa Social Support Program o Entsuperneur ng Dept. of Labor and Employment. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author