Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na agad nilang ire-release ang fuel subsidy para sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa sandaling maging available na ang pondo.
Sa Laging Handa Public Briefing, ipinaliwanag ni LTFRB Technical Division Chief Joel Balano na ang kanilang pinagbabasehan sa pagpapatupad ng programa ay kapag hawak na nila ang pondo na sa ngayon ay kanila pa ring hinihintay mula sa Department of Budget and Management.
Idinagdag ni Balano na ang subsidiya ay ipamamahagi sa 1.3M PUV operators at drivers, at depende ito sa uri ng sasakyan na kanilang ino-operate.
Matatandaang inanunsyo ang fuel subsidy noon pang Hulyo upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. —sa panulat ni Lea Soriano