Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 295 kilometers sa Silangan ng Infanta, Quezon.
Sinabi pa ng PAGASA na maliit ang tiyansa na maging ganap na bagyo ito, gayunman asahan na magdadala ito ng pag-ulan sa Metro Manila, buong Visayas Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Bangsamoro Region.