Malaki ang tiyansang maging bagyo sa susunod na isa hanggang dalawang araw ang namumuong Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, namataan ang LPA sa layong 1,070 kilometers east ng northeastern portion ng Mindanao kaninang alas-3 ng madaling araw at posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
Gayunman, nilinaw ni Badrina na ang naturang potential tropical depression ay maaaring wala pang direct impact sa bansa sa ngayon ngunit hinihikayat ang publiko na manatiling nakatututok sa mga update ng PAGASA.
Tatawaging “Egay” ang susunod na bagyo base sa listahan ng state weather bureau. —sa panulat ni Jam Tarrayo